KEY MESSAGE

Friday, August 21, 2015

Speaker ka. Nag-joke ka. Walang Tumawa. Papano na???

Ilang tips sa paggamit ng joke o humour sa speech o presentation mo.

Una, dapat related sa topic mo ang joke o humor.

Pangalawa, pagkatapos mong mag-joke, huwag na huwag mong sasabihin ang mga ito:

1. "Kidding aside"
2. "Seriously now"

Ito ang dahilan: ang audience mo, nagpunta para makinig ng speech o presentation. Hindi sila nagpunta para manood ng stand-up comedy act. Para sa kanila, seryoso ang pakikinig.

Pagkatapos mong ibagsak ang joke mo, ready ka na to proceed to the subject matter.

Anong gagawin mo pagkatapos mo gumamit ng joke o humor?

Well, dalawang possibilities.

Una, tatawa ang audience.

Pangalawa, hindi nila gets ang joke. Resulta: nakakabinging silence.

Anong gagawin mo.

Ilang payo.

Una, 'pag tumawa ang audience, huwag kang tatawa. Pause ka lang. Medyo poker face. Hayaan mong i-enjoy nila joke mo. 'Pag tapos na ang tawanan, proceed ka na sa speech o presentation proper mo.

Pangalawa, 'pag walang tumawa, lalong huwag na huwag kang tatawa. Huwag kang tatawa sa sarili mong joke. Dedma ka lang. Kunwari, hindi mo nahalata na hindi nila gets ang joke mo. Tigil ka sandali. Then, proceed ka na sa speech o presentation proper mo. Parang walang nangyari.

Pagkatapos mo, saka mo na lang lunurin sa kain ang embarassment.

Kung ako ang tatanungin mo, iiwasan ko ang paggamit ng joke sa umpisa ng speech o presentation.

May risk kasi na isipin nila na hindi ka seryoso sa speaking o presentation task mo. O kaya, baka magmukhang lightweight ang presence mo. Exception na lang kung speech to entertain talaga ang peg ng pagsasalita mo.

People listen to you to benefit from what you have to say. They invest precious time and energy to listen to something worthwhile.

Let's take that seriously.